6.16.2009

Ang Kanin, Bow!



Nakaramdam ako ng gutom

Bandang alas-dos na ng hapon

Naghanap ako ng mahahain

Bigla nakita panis ang kanin

Syet, sarap pa naman ng kaldereta

Eh me tirang pang atsara

Prob eh tinatamad akong magsaing

Kaya napilitang bumili sa tabi na chowking

Laking gulat ko ng binuksan

Sampumpisong kanin ay ilang subo lang

Tinitipid tayong mamamayan

Ayos na din nang lumiit ang tyan

Ang kanin, chow!

Labels: ,

1.21.2009

Ubas na Walang Katas


bago 2008 ay lumipas sa araw ng bisperas sa mesa'y naglagay ng mga prutas hindi ito pinitas kundi binili sa rustans una ng ang ubas kasama ng labin dalawang kastanyas naligaw din ang bawang pero di sibuyas pang-tanggal daw ng malas ilang linggo ang lumipas ngayo'y ubas wala ng katas ganun pa man ito daw ay pampabuenas

Labels: , , ,